About Me
Description: Hindi ako isang manunulat... isa lang akong studyanteng takot sa numero nung akoy nasa elementarya.. Mahilig akong makipagsuntokan sa aking mga kaklase at kahit na makipag-habulan sa Security Guard ay nagawa ko na... Mahilig din ako mag-cutting classes lalo na pagmaganda ang palabas sa telebisyon.. Na-aalala ko pa ung "care bears", "bambi", "robocop" at atbp na pinapalabas tuwing hapon. Binibilisan ko ang aking mga hakbang patungo sa bahay namin upang maka-abot sa aking paboritong palabas sa telebisyon. Naiinis nga ako eh sa tuwing pinapapasok kami sa Opisina ng principal upang magwalis, magsaing at kahit anong ipapagawa sa iyo. hayyy.. na aalala ko pa nung inutusan akong bumili ng ulam sa labas ng aming paaralan na muntik na akong nasagasaan.. Buti nlang ang bilis kong nakatakbo... Kung nangyari yun yari sila sa Nanay ko..heheh.. Ako'y isang studyanteng lumalabas sa klase pag-dumadating na ang Religion Teacher namin.. Inis na inis ako sa aming Religion Teacher kc pinipilit nya akong pumasok sa kanyang klaseng nakaka-antok.. Wika ko sa aking sarili ayokong maging guro paglaki ko... walang makukuha sa pagiging guro. Sasakit lang ang iyong ulo kaka-takbo sa iyong mga mapaglarong studyante.... Sa wakas ako'y aalis na sa aming paaralan sa Elementarya dala-dala ang mga nakakatawang pangyayari na minsa'y nakaka-iyak din dahil sa wlang tigil na papipingot sa akin ng aming Math Teacher.. Mahina daw ako sa Math eh.. hindi ko saw memoryado ang multiplication table..hehehe.. At grumaduate nga ako sa elementarya.. kahit na ndi ko talga na memoryado ang multiplication table eh on the rescue naman ang aking butihing ina..heheh.. Sa wakas! Sa aking segundarya, pinag-aral ako ni Nanay sa pribadong paaralan upang matuunan daw ng mga guro ang bawat isa sa amin.. Kinakabahan ako... ang lakas ng kabug ng dibdib ko... nakita ko na ang aking pangalan sa coupon bond sa labas ng nasabing silid-aralan.. Madami na sila sa loob... nag-aalanganin akong pumasok dahil may guro na sa loob.. Naisip ko sa aking sarili na sayang yung